Mura lang ang earphones. Mag-earphones ka, wala akong pakialam hanggang mabingi ka. Kung sabog ka at gusto mong mag-soundtrip, ibaon mo ang tenga mo sa speakers mo, huwag sa tenga ko. Kung ang building na ito ay sa iyo, pagbibigyan kita, pero dahil pareho lang association dues natin, huwag maramot. Huwag angkinin ang lahat. Humanda ka at magpa-pa-party din ako at mag-iingay kami ng husto at aakyat ka rin dito para pagsabihan ako. Minsan may mga taong gustong matulog ng maaga at isa ako dun. Ngayong gabi ikaw ay panalo, sa susunod worldwar 3 na. You will know your enemy. Haha.
---
Goodnight lower floor tenant (LFT). Ponyeta.
No comments:
Post a Comment