Thursday, October 16, 2008

KEYK *

Madami ako quirks. I hate surprises. Medyo weirdo ako na tao sa point-of-view ko. Nakakasundo ko naman mga tao na kapareho ko ng wavelength. Pero basta madami ako quirks. Super dami na nakakaloka. Sooo... nakatanggap ako ng cake kanina. Mahilig ako sa cake. Lagi ako na-ha-happy sa cake. Feeling ko kasi laging may birthday pag may cake at pag may birthday naha-happy ako (kahit hindi ko birthday). Naalala ko nung bata pa ako kapag birthday ko, pini-pick-up ung cake na naka-kahon na may plastic pa na transparent. Kitang-kita mo na ang cake pero hindi pa puwede buksan. Ilalagay yun sa likod na upuan. Minsan nasa passenger seat ako, palingon-lingon ako hanggang makauwi dahil tinitingnan ko ang cake ko. Kapag nakauwi na, bubuksan na at ilalagay sa mesa. Haaay. Yun siguro ang equivalent ng high moment...kapag ilalagay na ang cake sa mesa at magpapapicture. Saya. Kahit matanda na ako, gusto ko parin may cake ako sa birthday ko at may mga kandila. Kahit hindi ko birthday, sana meron parin akong cake. Happy ang cake.
---
Kagabi nga naguusap kami ni BFF/NFF tungol sa stamp. Happy moment daw niya pag may stamp siya. Minsan ayaw na niya daw maligo pag may stamp siya. Laging gusto may stamp nalang from school. Mga childhood memories diba. Ang saya saya!
---
Wala lang. Masarap balikan ang mga ganitong bagay kahit gaano kababaw lang. Minsan sobrang serioso na ng buhay nakakalimutan natin ang mga simple bagay na ito. So chill lang, be merry. =)

No comments: