Monday, September 15, 2008

WHERE'S MY STAR ? *

(Photo c/o http://www.flickr.com/photos/84985625@N00/177625273)

Noong bata ako tuwang-tuwa ako kapag umuuwi ako na may star sa kamay. Ibigsabihin noon kasi "very good" ako sa school. May ginawa akong tama na gusto ni teacher kaya may star ako sa kamay. "Look ma, may star ako!". Hindi ako noon maghuhugas ng kamay at magsasabon masyado dahil mabubura ang star ko. Naalala ko na halos maiyak ako nung nag-alcohol ako at nakalimutan kong mabubura nito ang aking star. Mga bata nga naman, diba? Yung pamangkin ko ngayon magmumukmok minsan pag hindi super happy face ang star niya o kaya pag "good star" lang at hindi "very good star". Bata pa lamang, merit system na pala. Kapag badtrip ka, hindi ka bibigyan ng star!
---
Pero lumaki ako na hindi ganon. Kaming dalawa, laging may star. Minsan kahit siya ay bad, may star pa rin siya. Ako kahit sobrang good, pareho lang kami ng star. Kahit gawin ko ang lahat, isa lang ang star ko. Kahit wala siyang gawin, may star pa rin siya. Inis na inis ako. Iniisip ko dapat akin lahat ng stars dahil ako ang nag-effort makuha silang lahat. Hindi pala ganoon. Nakipagkumpitensya ako para makuha ang lahat ng stars. Sinunod ko lahat ng instructions ni teacher. "Do this". "Do that". "DON'T do this". "DON'T do that". Ginawa ko lahat ng homework ko. Minsan pinakopya ko pa siya. Sa huli, siya pa rin ang may "very good" at ako "good" lang. Kaya napagod din ako gumawa ng homework ko.
---
Ngayon hindi ko na naman nakuha ang aking star. Ibigsabihin hindi ako "very good". Lagi nalang good lang hindi pang very good.
---
Ngayon nalaman ko na kahit anong gawin ko... hindi ko pala makukuha ang very good. Napapagod na ako na maramdaman ang pagkapagod na ito.
---
Kaya itong star na ito...wala tong kwenta!!! Kahit na may star na ako, wala tong kakuwenta-kwenta. Dahil kahit mapuno pa ng star yang kamay ko, ang mga star na to ay pang-"good" lamang at hanggang dun na lamang iyon.
---
At kahit hindi lamang star ang iuwi ko... isama na ang trophies at medals ng buong mundo... hanggang dito na lang ako... hindi magiging good enough.
---
Kaya tama na please. Pagod na ako sa ganito. Pagod na pagod. Ayaw ko na ng star. Ayaw ko na.

No comments: