Saturday, September 20, 2008

WAW (WHAT A WEEK) *

What a week! "Be careful what you wish for cos you just might get it."
---
Mga bagay na natutunan ko sa linggong ito... whew. Halo-halong karanasan ng isang workforceD.
- Huwag magtutulukan/magpapatayan sa MRT.
- Huwag magreklamo sa MRT kung masikip at mainit. Kung P15 lang ang binayad mo huwag kang maginarte na may red carpet na maghihintay sa yo sa bawat istasyon.
- Huwag makipagsigawan at makipagaway.
- Huwag magpanggap na kayang mag-balance, humawak ka sa pole/handle! Ito ay libre.
- Huwag matutulog sa MRT dahil malalagpasan ka.
- Huwag kunin ang libreng dyharyo sa umaga para ikalat lang sa MRT.
- Ang Pilipino ay hindi marunong magbasa ng karatula at hindi marunong luminya ng maayos. Magkukunwari na hindi alam saan ang linya para makasingit tapos pagpapacute at sasabihin "Ah dun ba dulo?" (na kunwari hindi alam!). ARGHHHHHH.
- Hindi ko kaya na magpa-breast exam sa lalaking doktor! (Kung ikaw ay isang nurse, mag-isip isip ka naman na ang babaeng pasyente ay ibigay sa babaeng doktor na gumagawa ng breast exam)
- Takot parin ako sa dugo at sa karayom kaya ang pagpapa-tattoo ay dapat gagawin nang tulog ako.
- After forever, nalaman ko na ako ay universal donor sa dugo.
- Kaya kong ubusin ang laman ng aking wallet at umuwi na walang pera para lamang sa isang pares ng sapatos. (Leche! Wala akong size kaya lungkot na lungkot ako!)
- Kaya ko palang gumawa ng "fashion research" ng 4 na oras sa opisina.
- Kaya ko palang gawin ito. FINALLY!!! Siguro sa past life ko hindi pala ako stripper, isa pala akong saleslady. HAHA.
---
Since the fashion adviser was sick, we chose some clothes to be sent for an ETC shoot. Pam modeled the pieces I chose. Boo! I wasn't able to take pics for pegs. Today, I saw that the MUA for the shoot was someone I know. Sweet naman to see the behind-the-scenes with my favorite look.
(Photo c/o Tippylicious)
(Fashion c/o Promod)
Look #1: This was the bustier (not worn with the longsleeved top) and the cuffed trousers. I'm loving the menswear-inspired items.
Look # 2: The dress had a nice fit and chose this bracelet to go with it since the neckline already had a nice detail.

Look # 3. The waistcoat aka vest (not worn with the this white top) was paired with a camisole with a bit of lace trim and skinny cropped gray trousers. I couldn't find the rest of the product shots. Oh well.

Look # 4: I like skinny pencil skirts. I paired the denim one with a tank top and studded belt. The scarf was rolled to become a loose necklace.




Look # 5: The printed dress was paired with coral neckpiece to add a punch of color since the print was black and white. I wouldn't recommend wearing the dress with the pair of shoes seen in this photo. I was going for a tribal-esque boho luxe vibe so hopefully they ended up pairing it with nice flats that show off the leg and the assymetrical hem.

So there! Happy happy. I hope sale season starts so the new collection will be in.

No comments: