Kapag hindi ka na mahilig sa joyride/roadtrip, ibigsabihin tumatanda ka na. May mga matatanda bang gusto pa magjoyride? Sabi ni Paolo sa akin isang senyales ito ng excitement sa pagkakaroon ng kalayaan dalhin ang kotse. Kung iisipin mo nga naman, walang kakwenta-kwenta at paikot-ikot ka lang sa kalsada. Isa itong malaking pag-aaksaya ng gasolina ng kabataan. Abala rin ito sa ibang motorista dahil dagdag ka pa sa nagpapatraffic sa daan. Alam niyo yung pelikulang "Nagbibinata" o "Istokwa"? Ilan lamang ito sa mga pelikulang Tagalog na may joyride or roadtrip.
---
Hindi pa ako nagkakotse kaya hindi ko alam ang saya ng kalayaan na magkaroon ng kotse. Masasabi ko lang mas gamay ako sa direksyon at pasikot-sikot ng Maynila kahit gamit ko lang ang aking dalawang paa. Siguro hindi na ako bibigyan ng kotse dahil kung saan-saan na ako napapadpad kahit wala pa ako nito. Kahit na hindi ako nagmamaneho na-eenjoy ko parin and joyride/roadtrip... hindi pa pala ako masyadong matanda.
---
Iba rin ang dalang "excitement" nang paikot-ikot na walang patutunguhan. Lusot dito. Lusot doon. Kahit saan man mapunta makaubos lang ng gas. Isa pa itong dahilan para magpakidnap sa bagong boylet at iikot lang kayo para lang magkasama. How sweet! Haha.
---
May isang joyride of all joyrides ako na nakita kanina. Tumatakbo ako papuntang eskwela dahil late na ako sa aking make-up class. Napansin ko 3 o 4 na estudyante sumakay sa isang kalesa sa Dapitan. May cartolina na may makulay na nakasulat na Happy Birthday ______ at ang gilid ng kalesa may mga makukulay pa na lobo. Tawanan ang mga estudyante dahil hindi pa ata sila magkasya sa loob. Saan kaya pupunta itong apat na ito?INGGIT AKO! Yun ang matinding joyride! Kaya ko ito nasabi dahil gusto kong sumakay ng kalesa at magjoyride sa Manila sakay nito. Nung grade 5 pa ata ako huling nakasakay sa annual grade school fair.
Sasakay na ako sa kalesa. Malapit na. :)
No comments:
Post a Comment